Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes, Enero 25, target nito ang ganap na pagpapatupad ng internet voting para sa mga overseas Filipinos sa 2025 midterm elections.
“Matatag na po ang loob ng Comelec na hindi na tayo magpa-pilot dito, i-implement na po natin dito sa overseas voting,” ayon kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco.
Umaasa ang poll body na ang pagpapatupad ng online voting sa darating na halalan ay maghihikayat sa mga overseas Filipinos na bumoto.
“Ang in-expect namin dito ay magamit yung kanilang mga cellphones, tablets, laptop, personal computers, o anumang gadget na nakakonekta sa internet,” sabi pa ni Laudiangco.