Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring maharap ito sa “financial crisis” kung magsasagawa ng national plebiscite o referendum ngayong taon kasabay ng paghahanda nito para sa 2025 midterm polls.
“Kung magkakaroon ng plebisito maybe August or September talagang kakapusin kami sa pondo because itong nadagdag sa amin ngayon, if I remember it right, ito po ay para sa preparatory ng national and local elections, special elections, nandun na rin, and recall,” sabi ni Comelec Executive Director Teopisto Elnas Jr.
Sa isang pagdinig sa House of Representatives nitong Martes, sinabi ni Comelec Executive Director Teopisto Elnas Jr. na gastusin sa pagdaraos ng national plebiscite ay maaaring umabot sa ₱13 bilyon dahil ito ay katumbas ng pagsasagawa ng manual elections.
“Definitely magkakaroon ng financial crisis ang Comelec just in case matuloy kung ano mang national plebiscite na gagawin within this year,” sabi pa ni Elnas.