Nanguna sina Sen. Raffy Tulfo, nakakuha ng 32%, at Vice President Sara Duterte, 31%, sa mga napipisil ng mga Pilipino para maging susunod na Pangulo ng bansa, ayon sa Tangere survey na isinagawa noong Nobyembre 2023.
Pasok din sa “aided list” ng 2028 presidentiables sa Tangere survey ng Acquisitions Apps Inc. sina Sen. Grace Poe (10%), former Vice President Leni Robredo (10%), dating Manila Mayor Isko Moreno (5%), Sen. Imee Marcos (3%), ex-Sen. Manny Pacquiao (2%), Sen. Robinhood Padilla (2%), Sen. Risa Hontiveros (1%), at House Speaker Martin Romualdez (0.5%).
“Kung susuriin mo ang surveys, mahalaga siya bilang adjustments sa iyong strategy, especially kung may balak tumakbo sa 2028, na medyo malayo pa. Almost five years pa… marami pang puwedeng mangyari,” sinabi ng political analyst at dating presidential political adviser na si Ronald Llamas sa panayam sa kanya ng UNTV.