Inilunsad ng Pagadian City government nitong Martes, Enero 16, ang unang fully air-conditioned public market sa Agora Complex sa Mindanao.
Sinabi ni Pagadian City Mayor Samuel Co na ang ₱20-milyong pasilidad ay mayroong ng 77 stalls na may sariling lababo at espasyo para sa mga refrigerator, gayundin ang isang meat processing section.
Idinisenyo ang gusali upang magkaroon ng hiwalay na mga entryway para sa mga customer at mga produktong karne, hindi tulad sa nakaraang lugar kung saan sila ay same alley, sabi ni Co.
Titiyakin ng proyekto na ang kanilang mga produktong karne ay ligtas para sa publiko, ayon kay Rudy Malusay, president ng Pagadian Meat Retailers Association.