Biglang naulila ang anim na batang Pinoy matapos masawi ang kanilang mga magulang sa isang malagim na car accident sa Michigan noong Enero 6.

Ang Pinoy na mag-asawang sina Ryan at Jen Ambrosio ay nagmamaneho sa Lodge Freeway bandang ala-1:30 ng umaga noong Sabado, Enero 6, nang salpukin sila ng mga pinaghihinalaang carjacker na hinahabol ng mga pulis.

Ang mag-asawang Ambrosio ay may anim na anak na may edad dalawa hanggang siyam na taong gulang.

Ang isang post sa GoFundMe na inayos ng pamilya ay nakalikom ng mahigit $300,000. Ayon din sa post na ang large extended family ay titiyakin na ang 6 na bata ay papalakihin nang magkasama sa isang ligtas at mapagmahal na tahanan.

Inaasahan na ang Michigan State Police ay magsasampa ng mga kaso laban sa dalawang suspek, na nagdulot ng malaking aksidente, sa local prosecutors kapag natapos na ang kanilang imbestigasyon.