Umangat ng dalawang puwesto sa Henley Passport Index ngayong 2024 ang Pilipinas, na nasa ika-73 na ngayon sa listahan ng “most powerful passports” sa mundo.
Ipinakita ng 2024 Henley Passport Index ang mga passport ng mga bansa, kasama ang sa Cape Verde Islands at Uganda, na nagbibigay ng visa-free access sa 69 destinations.
Ang Pilipinas ay dating nasa ika-75 sa may visa-free access sa 67 lugar sa Henley index na inilabas noong Enero 2023.
Samantala, anim na bansa ang naglalaban sa top spot: France, Germany, Italy, Japan, Singapore, at Spain.
Mae-enjoy ng mga mamamayan ng mga bansang ito ang visa-free access sa 194 na destinasyon sa buong mundo – ang pinakamataas na bilang na naitala mula noong nagsimulang subaybayan ng Henley Passport Index ang mga pandaigdigang kalayaan sa paglalakbay noong 2005.
Ang index ay ginawa ng London-based na global citizenship at residence advisory firm na Henley.