Nakumpleto na ng Department of Education (DepEd) ang competitive bidding para sa pagbili ng 172,654 Macbook Neo laptops mula sa Apple na nakalaan para sa mga guro at administrative staff ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, layunin ng pagbibigay ng mga laptop na magkaroon ang mga guro at kawani ng bansa ng maaasahang teknolohiya na makakatulong sa kanilang trabaho at tutugon sa matagal nang mga hamon sa sistema ng edukasyon.
“It isn’t just about handing out world-class hardware with five-year warranties; it’s about giving our educators the best tools, backed by robust training so they can focus on what matters most: teaching our children,” sabi ng DepEd Chief.
Iniulat din ng Apple na pinakamalaking educational deal ng kumpanya para sa Mac ang pagbibigay ng mga Macbook Neo laptops.
