Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag lang umasa sa water filtration devices para sa inuming tubig ngayong panahon ng Super El Niño.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Tagumpay Maniquis, kailangan pa rin ng pre-treatment ng tubig, lalo na kapag may laman itong debris, organic matter, at iba pang suspended solids upang hindi mabarahan ang mga filter.

Paliwanag pa niya, nakadepende sa laki ng contaminants na kayang salain ng device ang bisa nito. Halimbawa, hindi kayang alisin ng filter na may 0.1-micron capacity ang mga contaminants na mas maliit dito.

“To deactivate viruses or bacteria less than 0.1 micron, you can boil the water or use a disinfectant. What is commonly used for disinfection is a chlorine tablet,” saad pa ni Maniquis.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na kumonsulta sa kanilang local health offices tungkol sa tamang paggamit ng chlorine tablets.

Samantala, pinaalalahanan ang mga gumagamit ng water filtration systems na tiyaking rehistrado ang kanilang mga device sa Food and Drug Administration (FDA) at may kaukulang Certificate of Health-Related Device Registration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *