Sinabi ni Atty. Gilbert T. Andres, isang accredited lawyer ng International Criminal Court (ICC), na posibleng ituloy pa rin ng ICC ang proseso ng confirmation of charges laban kay Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na kinasuhan bilang “co-perpetrator” sa extrajudicial killings na nangyari sa termino ni former president Rodrigo Roa Duterte.
“The ICC arrest warrant (against Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa) is always effective,” saad pa ni Andres.
Sa panayam ng BusinessWorld, ginawang halimbawa ni Andres ang sinapit ng rebel leader na si Joseph Kony, pinuno ng Lord’s Resistance Army (LRA), na inakusahang nasa likod ng pagpatay, panggagahasa at pagdukot ng kabataan na ni-recruit para sa kanilang grupo na kumikilos sa Uganda.
Bagamat nananatiling pugante sa batas, itinuloy ng ICC ang confirmation of charges laban kay Kony, na nahaharap sa 39 na kasong kriminal.
“That can happen to Senator Bato if he never surrenders,” hirit ni Andres.
Ito ay sa kabila ng paglalaan ng gobyerno ng Pilipinas ng P50 milyong reward money para sa pagkakaaresto kay dela Rosa, dating hepe ng Philippine National Police (PNP) at pangunahing nagpatupad ng war on drugs ni Duterte noong 2016-2018.
