Si Gabbi Tuft, dating kilala bilang “Tyler Reks” sa World Wrestling Entertainment (WWE), ay sumailalim sa isang kahanga-hangang pagbabago patungo sa pagiging proud female transgender.
Sa gitna ng pandemya noong 2021, matapang siyang nag-open para maging kauna-unahang WWE wrestler na hayagang yumakap sa isang transgender identity.
Ngayon, bilang bahagi ng komunidad ng LGBTQIA, iniwan ni Gabbi ang mundo ng wrestling upang maging isang influencer sa social media, na nakakuha ng makabuluhang tagasunod ng isang milyon sa iba’t ibang platform.
Gayunpaman,dahil sa mapanghusgang lipunan ang naging dahilan upang itago ang kanyang tunay na sarili noong kanyang kabataan.
Ang buhay ni Gabbi ay nagbago ng madiscover siya ng isang talent agent ng WWE sa Southern California. Ipinakilala bilang Tyler Reks noong Hunyo 2009, nakilala siya sa kanyang matipunong pangangatawan na pinalamutian ng mga tattoo at dreadlocks.
Sa kasalukuyan ay sinimulan niyang tuklasin ang kanyang tunay na identity na kalaunan ay lumabas na bilang isang transgender na babae noong 2021.
Ulat ni Henry Santos