Pumirma ang dalawang Filipino volleyball player na sina Ara Galang at Aby Maraño sa Chery Tiggo Crossovers para sa darating na 2024 season ng Premier Volleyball League (PVL).
Ang dalawa ang pinakahuling manlalaro ng ex-F2 Logistics Cargo Movers na nakahanap ng bagong team matapos mabuwag ang club team.
“Super excited din kasi unang-una, first time ko lang din makasama ng iba talaga eh…Excited akong makatrabaho, makalaro ‘yung mga bata,” sabi ng Ara Galang. “All-out naman ako lagi, so ibibigay ko ‘yung best ko every training, every game, every day. Gagawin ko lang lahat ng makakaya ko para makacontribute at makatulong sa team.”
“They’ve known me as a player with a very big heart. Very passionate, vocal, and a leader, so I want them to expect that from me. Going to Chery Tiggo, dadalhin ko lahat ‘yun,” sabi naman ni Aby Maraño.
Sina Galang at Maraño ay parehong tinaguriang season’s most valuable players sa UAAP Season 75 kung saan napanalunan din ng DLSU Lady Spikers ang championship.
Sa dalawang pinakahuling recruit, umaasa ang Crossovers na makabalik sa podium matapos ang ikaapat sa PVL All-Filipino Conference noong Disyembre 2023.