Tinanghal ang pole vault sensation na si EJ Obiena bilang Athlete of the Year ng San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (PSA).
Ang 28-anyos na pole vaulter mula sa Tondo, Manila ay nanalo ng gintong medalya sa tatlong international tournaments at naging unang Pilipino na sumali sa “ultra-elite” 6.00-meter club ng pole vault ngayong taon.
Si Obiena rin ang unang nag-book ng puwesto sa 2024 Paris Olympics, ang unang Pinoy taya, na may silver-medal effort sa isang tournament sa Sweden, isang araw lamang matapos magsimula ang qualifiers para sa Olympiad ngayong taon.
Dahil sa pagganap ni Obiena noong 2023, siya ang nag-iisang tumanggap ng Athlete of the Year award.
“Obiena, son of track and field athletes Emerson and Jeanette Uy, is the first track athlete to be honored with the prestigious award since long jumper Marestella Torres in 2009,” ayon sa Philippine Sportswriters Association (PSA).
Matatandaan na nagtakda si Obiena ng mga bagong rekord sa Southeast Asian Games sa Cambodia (5.65 meters), Asian Athletics Championships sa Thailand (5.91 meters), at Asian Games sa Hangzhou (5.90 meters), winalis ang lahat ng tatlong gintong medalya.
Sa pagtatapos ng 2023, kinilala ng PSA na si Obiena ay napunta mula sa ikaanim na pwesto hanggang sa pangalawa sa mundo na pinangungunahan ni Armand “Mondo” Duplantis sa pole vault rankings.