Biniyayaan ng Philippine Olympic Committee (POC) ng cash bonus nitong Martes, Disyembre 12, sa East Ocean Palace Restaurant sa Parañaque City, na may kabuuang P10.6 milyon sa mga atletang Pinoy na naguwi ng medalya mula sa katatapos na Asian Games sa Hangzhou, China.
“It was a General Assembly where the POC family came together in joy and camaraderie (and) full of Christmas spirit,” sinabi ni POC president Abraham Tolentino. “We didn’t discuss any topic, but just giving the incentives and hosting our Christmas Party.”
Nasungkit ng bansa ang kabuuang apat na gintong medalya kasama ang dalawang siler at 12 bronze na medalya sa quadrennial tournament. Nakatanggap ng 1 milyon ang gold medalists na sina Annie Ramirez at Meggie Ochoa ng jiu-jitsu at pole vault ace na si EJ Obiena habang nakakuha ng tig-P500,000 ang silver medalists na sina Eumir Marcial ng boxing at Wushu’s Arnel Mandal.
Makakatanggap ng tig-P200,000 ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas, na tumapos sa 61-taong gintong medalya ng Pilipinas sa basketball, habang sina Patrick King Perez (poomsae), Patrick Coo (cycling), Sakura Alforte (karate), Kaila Napolis (jiu- jitsu), Erleen Ann Ando (weightlifting) at wushu’s Jones Inso, Gideon Padua at Clemente Tabugara ng wushu ay binigyan ng tig-P300,000 para sa kanilang bronze finishes.
Nakakuha si Alex Eala ng P450,000 para sa kanyang bronze sa women’s singles at mixed doubles (P150,000) ng tennis kasama si Francis Casey Alcantara. Sina Jason Huerte, Rheyjey Ortouste, Vince Torno, Mark Joseph Gonzales, Ronsited Gabayeron at Jom Lerry Rafael ng sepak takraw ay tumanggap ng tig-P200,000 para sa kanilang dalawang tansong medalya sa men’s quadrant at regu ng sepak takraw.