Inihayag ng Quiapo Church nitong Huwebes, Disyembre 28, ang ruta para sa 2024 Black Nazarene Traslacion sa Enero 9.
Sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno, ang simbahan ay gagamit ng parehong ruta para sa malaking prusisyon noong 2020 na inaasahang hahatak ng milyong deboto.
Ang 400-taong-gulang na imahe ay dadaan sa sumusunod na ruta:
- From Quirino Grandstand
- Right to Katigbak Drive (left side)
- Right to Padre Burgos St. through Finance Road
- Straight to Ayala Bridge
- Left to Palanca St.
- Right to Quezon Boulevard
- Right to Arlegui Street
- Right to Fraternal Street
- Right to Vergara Street
- Left to Duque de Alba Street
- Left to Castillejos Street
- Left to Farnecio Street
- Right to Arlegui Street
- Left to Nepomuceno Street
- Left to Conception Aguila Street
- Right to Carcer Street
- Right to Hidalgo through Plaza del Carmen
- Left to Bilibid Viejo through Gonzalo Puyat
- Left to J.P. de Guzman Street Right to Hidalgo Street
- Left to Quezon Boulevard
- Right to Palanca St. through under Quezon Bridge
- Right to Villalobos through Plaza Miranda going to Quiapo Church
Ang Traslacion sa Enero 9 ay isang taunang prusisyon na humahakot ng milyun-milyong debotong Pilipino mula sa buong bansa.
Ang tradisyunal na Traslacion ay hindi ginanap sa nakalipas na tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic.