“‘Yung iprinisinta po kanina ng depensa na witness ay lumalabas na weakness,” ani House prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua, tinukoy si Davao City Assessor Engr. Jaime G. Adalin.

Sinabi ni Chua na sa halip na makatulong sa depensa, naging kahinaan pa umano nito si Adalin, ang unang testigo ng depensa sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, Nobyembre 9.

Sa isang press conference, sinabi ni Chua na sa halip makatulong, inilantad pa umano ng unang defense witness ang mga kahinaan ng mga argumento ng depensa kaugnay ng Impeachment Article II, na tumatalakay sa pagkakaroon umano ng unexplained wealth ng Bise Presidente.

Tinawag pa ni Chua na “nuknukan ng sinungaling” si Adalin dahil sa umano’y hindi magkakatugmang sagot nito sa cross-examination.

Matatandaang iginiit ni Adalin na ang isang titled property sa Davao City ay siya ring lupang nakasaad sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni VP Sara.

Gayunman, kinuwestiyon ng prosekusyon ang pagkakaiba umano sa lokasyon at halaga ng property.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *