Iniutos ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng cyberlibel charges laban kay Atty. Ferdinand Topacio at sa limang iba pa ngayong Martes, Nobyembre 10.

Kaugnay ito ng mga social media post na nag-akusa kay Senator Risa Hontiveros ng panunuhol at pagkokondisyon umano sa mga testigo sa imbestigasyon ng Senado laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy.

Kabilang din sa mga pinakakasuhan sina Banat By, Jeffrey Celiz, Krizette Chu, Jay Sonza, at Tio Moreno, matapos baligtarin ng DOJ ang naunang desisyon na ibasura ang reklamo ni Hontiveros.

Binaligtad ng ahensya ang naunang mga resolusyon ng Office of the Secretary of Justice-Prosecution Staff noong Disyembre 22, 2025 at Marso 16, 2026 na nagbasura sa reklamo.

Ayon sa DOJ, sapat ang ebidensiya upang maitatag ang prima facie case na may reasonable certainty of conviction laban sa anim na respondent.

“We will always defend and support free speech and the press. Pero iba ito sa sistematiko at sadyang pagpapakalat ng fake news laban sa Senado, sa aming staff, at sa matatapang na testigo,” ayon naman kay Hontiveros.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *