Kinuwestiyon ni impeachment court Presiding Officer Chiz Escudero ang pagkakakilanlan sa property na saklaw ng Transfer Certificate of Title (TCT) number na nagtatapos sa 3134 matapos mapansin ang pagkakaiba ng pangalan ng barangay na nakasaad sa mga dokumentong iniharap sa impeachment court.

Ayon kay Escudero, nakasaad sa deed of sale at field appraisal report ang Barangay San Isidro, habang Barangay Matanos naman ang nakalagay sa TCT No. na nagtatapos sa 3134 at sa kinanselang titulo ng Filinvest na pinagmulan nito.

“Matanong ko po kayo, bilang city assessor, paano po magkakaroon ng titulo sa inyong siyudad na nakalagay ay Barangay Matanos, kung wala namang barangay na ganyan sa inyo,” tanong ni Escudero sa testigong si Engr. John Kenneth Enumerables, city assessor ng Island Garden City of Samal (IGACOS).

“Dun po magagamit natin ‘yung tax mapping. Sa tax mapping po ang nakarehistro po ay San Isidro. Kasi ‘yung Matanos, ito po ‘yung nakalagay sa title, doon po ‘yun nanggaling sa receipt deeds,” giit naman ni Enurables.

“Paano n’yo po nasabing ‘yun ‘yon, eh kung titingnan n’yo lang po ‘yung titulo, magkaiba na, eh,” saad naman ni Escudero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *