Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa mga huwad na anunsiyo sa social media na nagsasabing nagpapatuloy ang recruitment activities ng ahensiya.

Ang official Philippine Coast Guard (PCG) at Coast Guard Human Resources Management (CGHRMC) lamang ang awtorisadong Facebook pages sa paglalabas ng PCG nationwide recruitment updates, ayon sa advisory ng PCG.

“Huwag magpaloko sa mga fake news.Lalo na sa mga screenshots na kumakalat sa Facebook at Viber group chats,” giit ng PCG.

“Para sa impormasyon ng lahat, noon pang ika-20 ng Setyembre 2023 inanunsyo ng PCG ang pormal na pagtatapos ng NATIONWIDE RECRUITMENT 2023,” dagdag pa nito.

Payo ng PCG sa mga aplikante, hintayin ang susunod na update para sa nationwide recruitment program na kanilang iaanunsiyo sa official PCG o CGHRMC Facebook pages para hindi mabiktima ng fake news.