Umabot sa 55 porsyento ng mga adult Filipino ang sumusubaybay sa mga pinakahuling kaganapan sa kasong kinakaharap ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey.

Batay sa naging resulta ng survey na isinagawa noong Setyembre 21 hanggang 27, nasa 8 porsyento ang mga Pilipinong mahigpit na sumusubaybay, 25 porsyento ang medyo nakatutok lang, habang 28 porsyento ang hindi sumusubaybay, at 17 porsyento ang ngayon lamang ito narinig.

Higit na mas mababa ito kumpara sa 72 porsyento noong Hunyo, 25 porsyento noong Marso, at 80 porsyento noong Nobyembre 2025.

Samantala, nakatakda namang simulan ng ICC Trial Chamber III ang paglilitis sa crimes against humanity case ni Duterte sa Nobyembre 30.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *