Sinabi ni Lt. Gen. Emmanuel Peralta, acting chief ng PNP Directorial Staff, na nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na pagsabog sa Dimaporo Gymnasium ng Mindanao State University sa Marawi City ngayong Linggo, Disyembre 3, dakong alas-7 ng umaga.
“Our explosives and ordnance units from the Philippine National Police and the Armed Forces of the Philippines are conducting post blast investigation and they gathered fragments of 60mm mortar from the blast site,” sinabi ni Peralta.
Samantala, sa ginanap na media conference ngayong Linggo, Disyembre 3, sinabi naman ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. na kumikilos na ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) para tulungan ang mga biktima ng pagsabog sa MSU.
“They are already activated in order to give the required medical assistance and psychological interviention that are necessary for the families of the victims and others who may be affected by the terrorist incident that occured,” ani Teodoro.