Nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng aabot sa $672.3 milyon (₱37.3 bilyon) na halaga ng investment pledges sa kanyang pagdalo sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa San Francisco, California noong nakaraang linggo, ayon sa Palasyo.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na nakatanggap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng investment pledges sa mga sumusunod na sektor:
- telecommunications
- artificial intelligence for weather forecasting
- semiconductor and electronics
- pharmaceutical and healthcare
- renewable energy
Nakuha rin ni Marcos ang mga investment pledges para sa dalawang Internet MicroGEO satellite na nakatuon sa bansa, at ang pagbuo ng “Asia’s largest AI-driven weather forecasting program for the Philippines.”
Samantala, nagkasundo ang Ayala Corporation Health at Varian Medical Systems na itatag ang unang specialty oncology hospital ng Pilipinas sa APEC trip ni Marcos, sinabi ng PCO.