Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires ngayong Martes, Nobyembre 14, na sa P1 milyon na confidential fund sa susunod na taon, ang hinihiling lamang ng Office of the Ombudsman dahil nakasanayan na nilang kumuha ng impormasyon mula sa tinatawag na “Marites” at “Tolits” sa media community.
“Yan ang sinasabi ng matatanda, mamaluktot ka kapag maiksi ang kumot, ‘di ba. So dito siguro gagamitin na lang namin yung charm… Idaan sa ngiti, baka naman matulungan ka ng iba. Idaan mo sa pag ma-Marites,”ayon kay Ombudsman Samuel Martires.
“In fact, I’ll be honest with you, kung minsan nakakapulot ako ng impormasyon dahil sa inyo e… All I have to do is to validate the information that I got from members of the press. Malaking bagay ‘yun,” saad ni Martires.
Noong nakaraang buwan, hiniling ni Martires sa Senado at sa House of Representatives na gawing P1 milyon na lamang ang kasalukuyan P51-milyong confidential at intelligence fund ng Ombudsman para sa 2024 at 2025.
“The final confidential fund as we requested is only P1 million, from the P51 million proposed by the Department of Budget and Management (DBM), which was also the same amount in 2022,” paliwanag ni Martires.