Ang mga retail prices ng locally milled rice ay hindi dapat lumagpas sa P48 kada kilo, ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa ngayong Martes, Nobyembre 14.
Sinabi ni Assistant Secretary Arnel de Mesa na ang umiiral na presyo ng regular rice ay nasa P41/kilo habang ang well-milled rice ay nasa P45/kilo dahil nagpapatuloy ang harvest season.
“Hanggat mayroon tayong stock, dapat hindi lalampas ng 48 pesos,” ani ni de Mesa.
Nauna nang sinabi ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na nasa P7.2 bilyong halaga ng bigas taun-taon, kaya naman hinimok nila ang publiko na kumuha lamang ng sapat na dami ng makakain sa mesa.