Bubuksan na sa publiko ang museo ang NBA player na si Lebron James sa Nobyembre 25, sa kanyang hometown sa Akron, Ohio.
“My dream was always to put Akron on the map, so to have a place in my hometown that allows me to share my journey with my fans from all over the world means a lot to me,” ayon kay American professional basketball player Lebron James.
Ang “Home Court” ni Lebron James ay isang self-guided tour na nagkukuwento sa kanyang buhay at iba pang mga bagay sa kanyang paglalakbay mula Akron hanggang sa NBA, Olympics, business, philanthropy at maraming pang iba.
“I’ve been known to hang on to a lot of things over the years, and I always knew there would be a time and place to bring them out,” sabi pa ni Lebron.
Magbubukas ang museo sa Nob. 25 at matatagpuan sa House Three Thirty, isang pasilidad na sinimulan ng foundation ni James para maglingkod sa komunidad kung saan siya lumaki. Ang lahat ng nalikom mula sa pagbebenta ng tiket ay babalik sa komunidad.
Ang 38-anyos na si James, na naging all-time scoring leader ng liga noong Pebrero, ay naglalaro sa kanyang 21st NBA season.