Ang young Filipino racer na si Iñigo Anton ay sasakbak sa unang pagkakataon bilang “wild card” sa F4 South East Asia Championship sa Sepang International Circuit, Malaysia.

Sasabak si Iñigo Anton sa final round ng kompetisyon sa Sepang International Circuit sa Malaysia sa Disyembre 1 hanggang 3 sa ilalim ng BlackArts Racing.

Mula sa pamilya Anton ng mga kilalang racer, na hinirang bilang “2022 Automotive Association Philippines Circuit Driver of the Year” at nakaukit ng kanyang sariling pangalan hindi lamang sa local racing scene kundi maging sa international stage.

Ang ilan sa mga pinakabagong tagumpay ng 19-taong-gulang na racer ay ang pagkapanalo sa 2022 Seaoil Radical Challenge.

Si Anton ay idineklara ring kampeon sa 2022 Toyota Gazoo Racing Vios Cup Circuit Championship sa Super Sporting Class.