Dalawang sako na naglalaman ng pira-pirasong katawan ng isang lalaki ang natagpuan ng mga awtoridad sa dalawang magkahiwalay na lugar sa Iloilo City nitong Lunes, Nobyembre 6, ng umaga.

Kinilala ng kanyang pamilya ang biktima na si Kristopher Cabalquinto, residente ng San Miguel.

Natagpuan ang isang sako ng katawan ng biktima dakong ala-5 ng madaling araw sa Barangay Ticud, Lapaz, Iloilo at ang isa pang sako ay nakita dakong ala-9 ng umaga sa Barangay Buhang sa bayan ng Jaro.

Inaalam na ng pulisya kung may kinalaman sa droga ang krimen batay na rin sa nakuhang mensahe at tatlong sachet ng shabu sa tabi ng isa sa mga sako.

Hiling naman ng pamilya ng biktima, ibalik ang ulo ng kanilang kaanak upang mabigyan siya ng maayos na libing.

Sa kasakuluyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.

Ulat ni Baronesa Reyes