Ang San Miguel big man na si June Mar Fajardo ay muling Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association (PBA), na nasungkit ang league’s top individual award para sa unprecedented seventh time.
“Salamat sa award na ito, kayo (fans) ang nagbigay nito. Dine-dedicate ko ang award ko na ito sa mama ko. Sana nandito siya ngayon,” ayon kay Basketball player na si June Mar Fajardo.
Ibinigay sa kanya ang Leo Trophy, na ipinangalan sa league’s fist commissioner Leo Prieto, ilang sandali bago ang pagbubukas ng PBA Season 48 noong Linggo, Nobyembre 5.
Si Fajardo ay nakakuha ng 1244 statistical points, at 152 at 852 mula sa player at media votes ayon sa pagkakasunod-sunod upang mabawi ang korona, na tinalo sina Scottie Thompson at Christian Standhardinger ng Ginebra.
Bukod sa pag-angkin ng top individual award, napabilang din ang Gilas Pilipinas superstar sa First Mythical and All Defensive team ng liga.
Inihayag ni Fajardo pagkatapos na inakala niyang hindi na siya aabot sa puntong ito, lalo na matapos magtamo ng malubhang pinsala apat na taon na ang nakalilipas.
“Noong nainjure ako, nabali ang tibia ko, nagcross talaga sa isip ko na baka yun na ang end ng career ko. Kasi malala,” ani ni Fajardo.
“Thankful ako sa lahat. Sila ang nagtulong tulong para makabalik ako sa game,” dagdag pa niya.