Sinibak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa puwesto ang hepe ang 26 miyembro ng Pasay City Police dahil sa kanilang kapabayaan sa pamamayagpag na ilegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hub sa lungsod.
Nakilala ang nasibak na hepe ng Pasay City Police na si Col. Froilan Uy na papalitan naman ni Col. Mario Mayanes.
Sinabi ni PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo, ang mga pulis ay nahaharap sa sa pre-charge investigation.
“With respect doon sa case ng ni-raid na POGOs sa Pasay, ni-relieve na po iyong 27 na personnel po including the chief of police po pending investigation,” pahayag ni Fajardo. Paliwanag ni Fajardo,
Iniimbestigahan ang mga pulis sa posibilidad na kapabayaan (neglect of duty) dahil sa mga ilegal na aktibidad sa mga POGO establishment. Aniya, matagal na ang mga POGO establishment sa lugar subalit nakakapagtakang hindi man lang napansin o na-detect ang illegal activities sa lugar.
Sa pinakahuling ulat, isang torture chamber ang nadiskubre sa isang POGO hub sa Pasay City kung saan sinasabing nagiging pugad din ito ng sex trafficking, love scams at crypto scams.
Sa isinagawang raid ng mga alagad ng batas nadiskubre ang torture chamber sa loob ng POGO hub na mayroong iba’t ibang torture device katulad ng heavy duty tasers, airsoft gun, baseball bat, wooden club at mga handcuffs na may nakakabit na metal bar sa dingding.
Sinabi ni Presidential Anti- Organized Crime Commission (PAOCC) executive Director Gilbert, kabilang sa mga tino-torture sa nasabing silig ay mga parokyanong hindi nakakabayad ng utang lalo pa’t gumagamit ng mga babae sa loob.
“’Yung mga hindi daw nagbabayad ng utang lalo kung sila ay gumamit ng mga prostitution rooms saka nung mga babae dito, ‘yung merong mga may atraso sa kanila, ‘yun ang tino-torture nila doon sa room na yun,” pahayag ni Cruz.
Ulat ni Baronesa Reyes