Nagpahayag ng kahandaan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatupad ng mga traffic management measures upang maibsan ang inaasahang pagbibigat ng traffic sa panahon ng Undas at Christmas season.
“We are working together with transportation officials to ensure that public transportation systems like the MRT, LRT, and EDSA Bus Carousel are prepared to accommodate the commuting public, so motorists can leave their vehicles someplace and take public transportation,” pahayag ni MMDA chairman Don Artes.
“We also encourage the public to use the Pasig River Ferry Service and avail free rides that are convenient and traffic-free,” dagdag ng opisyal.
Kabilang sa mga traffic plan na ipatutupad ng MMDA sa mga susunod na panahon ay ang mga sumusunod:
- Pagpapatigil sa lahat ng excavation activities simula Nobyembre 13, 2023, hanggang Enero 8, 2024.
- Obligahin ang mga shopping mall owners na magsumite ng kani-kanilang traffic management plan para sa kanilang “mall sale” at iba pang promotional activities dalawang linggo bago isagawa ang event. Papayagan lang din ng MMDA ang mga mall-wide sale tuwing weekend habang ang delivery ng mga produkto ay papayagan lamang mula ala-11 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga sa susunod na araw.
Ani MMDA chairman, pumayag din ang mga mall owners na i-adjust ang kanilang operational hours na magsisimula ala-11 ng umaga hanggang ala-11 ng gabi mula Nobyembre 13 hanggang Enero 8.
- Ipinagutos din sa mga traffic enforcer na iwasang magkumpulan at paggamit ng cellular phone habang naka-duty maliban lang kung sila ay nagre-report ng traffic situation o aksidente sa kanilang areas of assignment.
“Traffic management shall be prioritized. Thus, apprehension of simple moving violations which may cause traffic congestion shall be avoided,” giit ni Artes.