Si EJ Obiena, ang gold medalist sa Asian Games at world no. 2 sa buong mundo sa pole vault, ay hindi lamang tinatarget ang tagumpay sa pole vault competitions ngunit maisulong din ang isang pamana na nais niyang iwan sa larangan ng sport.
“I believe the Filipinos can win at a global level but we can’t do this alone,” ayon kay pole vaulter EJ Obiena.
Noong Martes, Oktubre 10, nakipagsosyo si EJ sa kumpanya ng marketing technology na Katapult Digital para makalikom ng pondo para maisulong ang Philippine pole vaulting.
Inilunsad ng Filipino pride ang kanyang fund raising initiative na “Katapulting an Athlete’s Dream” upang tulungan ang mga kabataan na may interes sa pole vault sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga training pit sa buong bansa.
Bago ang kanyang panalo sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China, nakabalik na sa Maynila si Obiena para ipalaganap ang kanyang misyon na ibalik sa bansa at ang isports na ginawa niyang global icon.
“One of the biggest things I could do for the country is to make sure that what we have now is gonna be sustainable in the future. Right now, we are the best in Asia and I don’t want that to be just in my era. I think I would be sad if, when I do retire, we’ll go back to being almost non-existent in the sport,” saad pa ni EJ.
“I want to coach Filipinos, my countrymen, and to be able to influence the next generation. Hopefully, they will take up the sport pole vaulting. We never know, they might be the next Olympic champion for us,” dagdag pa niya.