Bigo ang skateboarder na si Margielyn Didal sa kanyang title-retention bid sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China nang magtapos siya sa ikawalo at huling puwesto sa Women’s Street Finals noong Miyerkules, Setyembre 27.
Nagtapos si Margielyn Didal na may best score na 23.39 puntos sa bahagi ng runs at pagkatapos ay hindi niya sinayang ang pagkakataong itaas ang kanyang tally bago naganap ang sunud-sunod na pagkatisod sa mga daring manuevers nito.
Naging hadlang ang left ankle injury kay Didal sa kanyang mga extreme moves na karaniwan niyang ginagawa na kanyang dating ipinanalo ng medalya, partikular yun naging stint niya sa Jakarta, Indonesia.
“My injury has already healed, but I can still feel the tightness around my foot. It’s probably due to the metal plates that were installed,’ sabi ni Didal.
Pinamunuan ni Chi Chenxi ng China ang event na pinagsamang pairs of run at limang tricks na may 242.62 puntos habang ang kababayan niyang si Zeng Wenhui ay nakakuha ng silver na nakakuha ng 236.61. Naguwi naman si Miyu Ito ng Japan ng bronze medal matapos makapagtala ng 213.00 puntos.
Na-dislocate at nabalian si Didal sa kanyang ankle sa Red Bull Stake Levels noong nakaraang taon sa Brazil.
Simula noon, tumagal bago siya muling sumakay sa board at nagsimulang magbalik sa continental meet, ang lugar kung saan siya biglang sumikat limang taon na ang nakakaraan.