Pumanaw na si former Marikina City mayor at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando matapos mahulog sa bubong ng bahay na kanyang kinukumpuni ngayong Biyernes, Setyembre 22.
Base sa ulat, aksidenteng nahulog sa bubong si Fernando, 77, habang nagsasagawa ng repair kaya isinugod ito sa ospital ng mga tauhan ng Rescue 101.
Kinumpirma rin ng maybahay ng dating MMDA chairman, na si Marides Fernando, ang pagpanaw ng kanyang asawa subalit hindi ito nabgibay ng karagdagang detalye.
Subalit base sa post sa social media ni Aaron Garcia, nalagutan na ng hininga si Fernando sa isang ospital ala-12:16 ngayong tanghali.
“He had been repairing a roof somewhere when he slipped and fell to the ground, and was declared dead at 12:16 PM,” ayon sa post ni Garcia.
Bukod sa naging dating Marikina City mayor at chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nakapuwesto rin si Fernando bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina City sa Kongreso.