Pinangunahan ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Artemio Abu ang inagurasyon ng Vessel Traffic Management System (VTMS)-Pasig para gabayan ang mga sasakyang pantubig sa Pasig River.
Ayon kay Abu, ang pangunahing misyon ng VTMS-Pasig ay upang gabayan ang mga bangka at barkong dumaraan sa Pasig River kasabay nang pangangalaga sa seguridad sa Presidential Security Group (PSG) compound sa Malacanang.
Ang VTMS-Pasig ay gumagamit ng advance technology, kabilang ang CCTV camera at advanced sensors na nakaposisyon sa mga istratehikong lugar sa Pasig River upang magabayan ang mga watercraft na dumaraan sa naturang ilog.
Kabilang sa mga dumalo sa inaugural ceremony ay si PSG chief Brig. Gen. Ramon Zagala na pinarangalan si Abu ng arrival honors.
Ang operasyon ng pasilidad ay hahawakan ng mga tauhan ng Navigational Safety Services Unit (NSSU), ayon sa PCG.
“The Inauguration of this VTMS is a significant step forward for the Philippine Coast Guard that reflects our commitment to the highest standards of safety, security and efficiency,” pahayag ni Abu.