Reprimand ang ipinataw na parusa ng Office of the Ombudsman sa mga dating opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na sina Lorraine Badoy at Antonio Parlade dahil sa pagugnay sa grupo ng mga abogado sa grupong komunista.
Sa 17-pahinang desisyon, sinabi ng Ombudsman na guilty sina Parlade at Badoy ng Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Services kaya ang mga ito ay pinatawan ng “reprimand” ng anti-graft court.
“The above-mentioned respondents are sternly warned that a repetition of a similar offense would be dealt with more severely,” ayon sa Ombudsman.
Matatandaan na naghain ng reklamo ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) noong Marso 23, 2023 sa Ombudsman laban kina Badoy at Parlade matapos silang bansagan bilang mga “communist terrorist” at tumatayong “front” ng CPP-NPA-NDF.
Iginiit din ng Ombudsman na may naging negatibong epekto sa imahe ng NTF-ELCAC ang mga akusasyon nina Badoy at Parlade laban sa NUPL.
Samantala, absuwelto naman sina dating National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na dating ring NTF-ELCAC official, dahil ang kanyang mga pahayag ay ginamit lamang para depensahan sina Parlade at Badoy.