Sinabi ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (PACG) na nakatanggap sila ng mahigit 8,000 reklamo ng iba’t ibang online scam mula sa mga biktima na nawalan ng mahigit P155 milyon mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Sinabi ni PNP-ACG Director P/Brig. Gen. Sydney Hernia, ang data na ito sa isang video ay iprinisinta sa harap ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies.
Ayon sa ulat, 8,609 indibidwal ang nawalan ng kabuuuangP155,204,358 sa online selling, investment, call, employment, loan, package, accommodation, love scams, at iba pa.
Nangunguna sa listahan ang mga online selling scam na may1,615 biktima na nawalan ng P68,864,263; sinundan ng investment scam na may 911 biktima na may P5,988,404; at ATM fraud o phishing na may 821 complainant na nawalan ng P3,193,209.
Ang iba pang nangungunang mga scheme at ang halaga ng pera na nawala ng mga biktima ay call scam na may 635 biktima at nawalan ng P6,876,388; employment scam na may 606 biktima na nawalan ng P4,942,738; loan scam na may 562 biktima na nawalan ng P9,395,166; at package scam na may 533 biktima na nawalan ng P20,902,535.