Idineklara ng mga doktor na cancer-free na si LA Tenorio matapos siya isalang sa pagsusuri sa Singapore, sinabi ni coach Tim Cone nitong Martes, Setyembre 19.
Inihayag ni Tim na si Tenorio ay nabigyan ng clean bill of health matapos sumailalim sa ilang mga chemotherapy session mula nang siya ay ma-diagnose na may Stage 3 colon cancer noong Marso.
“His last PET (Positron Emission Tomography) scan is cancer-free. He is finished with all of his chemo sessions. He’s been declared cancer-free,”sinabi ni Tim sa mga reporter pagkatapos ng press conference na nag-anunsyo ng mga posibleng pagbabago sa lineup ng Gilas Pilipinas para sa Hangzhou Asian Games.
Kinumpirma rin ni Tenorio ang balita sa pamamagitan ng pagbabahagi ng post ng Inquirer Sports sa X, ang social media platform na dating kilala bilang Twitter.
“God is good!” saad ni Tenorio.
Napilitan ang Barangay Ginebra floor general na makaligtaan ang natitirang bahagi ng Governors’ Cup noong nakaraang season kasunod ng anunsyo, na nagtapos sa kanyang record streak na 744 na sunod-sunod na laro.
Sinabi rin kay Tim na na-clear na rin si Tenorio na sumali sa mga pagsasanay sa Ginebra sa mga susunod na araw.
“They told him that within days, he can start practicing. In three or four days, he can return to practice,” ani ni Tim.
Nakatakdang lumipad pabalik ng Manila si Tenorio upang tumulong sa paghahanda ng Gilas sa Asiad bilang bahagi ng coaching staff ni Cone.