Magpapakitang gilas ang limang senior high schoolers ng Pilipinas sa International Robotics Competition na magaganap sa Singapore mula Oktubre 7 hanggang 10, kung saan magtutunggali ang iba’t-ibang grupo mula sa iba’t-ibang bansa.
Ang Team Philippines ay binubuo ng mga mag-aaral mula sa Dr. Yanga’s Colleges, Inc., na kinabibilangan nina Andrei Patricio, Annette Nicole Ambi, Renz Daren Flaviano, Lauren Stacy Cruz, at Michael Ronnie Estrella.
“We were once again chosen to represent the Philippines in the competition because the students from our school have been participants in it since 2017,” sabi ng grupo.
Ang kanilang tema ngayong taon: Hydrogen Horizons at ang focus ng kompetisyon ay ang mahalagang papel ng hydrogen sa renewable energy ng planeta.
“Teams work together to complete tasks in a game themed around one of the greatest challenges facing our planet, including the 14 Grand Challenges for Engineering, in an effort to foster understanding and cooperation among the youth of the world as they use their abilities to solve the world’s problems,” ayon sa mga estudyante.
Ang kanilang layunin ay hindi lamang ang pagpapabuti ng kanilang kasanayan sa larangan ng robotics kundi ang maging handa na makipagsabayan sa buong mundo sa pamamagitan ng kanilang paglahok sa mga ganitong uri ng aktibidad.
“Our main task in the competition is to build and program a robot in the game Hydrogen Horizons. The Hydrogen Horizons game challenges the shifting alliances of three national teams to work together to build renewable energy networks, demonstrating the collective effort required to develop sustainable energy. Teams must navigate their robots in the simulated game to produce hydrogen and use it to store, transport, and convert energy.”