Sina Calvin Abueva at Terrence Romeo ang mga kilalang manlalaro na dumalo sa unang pagsasanay ng Gilas Pilipinas noong Lunes sa PhilSports Arena sa Pasig City para sa 19th Asian Games.
Huling nagsuot ng national colors ang dalawa sa laban ng Gilas at Australia sa 2019 FIBA World Cup qualifiers sa Philippine Arena noong 2018.
Dumalo rin ang mga manlalaro ng FIBA World Cup na sina June Mar Fajardo, Scottie Thompson, RR Pogoy, Japeth Aguilar kasama sina naturalized big men Justin Brownlee at Ange Kouame, at PBA cagers Chris Newsome at Calvin Oftana.
Sinabi ni Gilas head coach Tim Cone na kuntento na siya sa mga manlalaro na kanilang isasabak sa quadrennial meet.
Gayunpaman, hindi pa rin tiyak ang status nina Abueva at Perkins dahil hindi sila kasama sa inisyal na listahan ng 60 manlalaro na isinumite ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Hangzhou Asian Games Organizing Committee (HAGOC).
“This is what we expect. We still got Perkins and Calvin Abueva who are 100-percent sure to be on the team if they are allowed to be on the team,” ani ni Tim.
“They weren’t on the original of 60 that were submitted so because of Jamie’s (Malonzo) injury and Brandon’s (Ganuelas-Rosser) injury, we are asking for a ruling that can replace them with Calvin and Perk,” dagdag pa niya.