Kabilang sina LeBron James at Stephen Curry sa mga NBA superstars na interesadong maglaro para sa Team United States sa Paris Olympics sa susunod na taon, ayon sa ulat nitong Lunes, Setyembre 12.
Ang two-time Olympic champion at four-time NBA champion na si James ay nagre-recruit ng mga kapwa NBA stars para sa US squad na tinatarget ang ikalimang gintong medalya sa susunod na taon sa France, ayon sa The Athletic.
Si Curry, isang four-time NBA champion guard sa Golden State Warriors, ay nagpahayag ng interes na maglaro sa Olympic squad na ginagabayan ni Warriors coach Steve Kerr, iniulat ng ESPN.
Lumutang ang balitang ito isang araw matapos ang isang US team na may 20 NBA stars ay umalis sa Basketball World Cup na walang laman kasunod ng pagkatalo sa Canada sa bronze-medal game at sa kampeon sa Germany sa semi-final.
Si Lebron James, 38-anyos na forward player, ang nanguna sa USA nang kanilang panalunin ang Olympic gold medal noong 2008 sa Beijing at 2012 sa London ngunit hindi na siya naglaro simula noon.
Hindi lamang interesado si James na maglaro para sa Paris Olympic gold ngunit tinawag niya ang kapwa dating NBA Most Valuable Players na sina Curry at Kevin Durant na umaasang mae-engganyo silang maglaro para sa Team USA sa 2024.
Ang two-time NBA champion na si Durant, isang Phoenix Suns forward na magiging 35 taong gulang sa huling bahagi ng buwang ito, ay tumulong sa US Olympic gold-medal efforts sa London gayundin noong 2016 sa Rio at noong 2021 sa Tokyo.
Si Curry ay hindi kailanman naglaro para sa US Olympic squad ngunit tumulong sa mga American club na manalo ng 2010 at 2014 World Cup crowns — ang kanilang mga tanging titulo mula noong 1994.
Ang iba pang na-recruit ni James para sa 2024 US Olympic team, ayon sa The Athletic, ay kinabibilangan ng kanyang kakampi sa Los Angeles Lakers na si Anthony Davis, Draymond Green ng Golden State at Jayson Tatum ng Boston.