Pangungunahan ni Philippine Navy Flag officer-in-command ang commissioning ng dalawang Cyclone-class patrol boats na donasyon ng US government sa Pilipinas ngayong Lunes, Setyembre 11.
Ayon sa ulat ng Manila Times, ang dalawang dating US patrol boats ay bibinyagan ngayong araw bilang “BRP Valentin Diaz” (PC-177) at “BRP Ladislao Diwa” (PS-178) na kapwa hinango sa pangalang ng dalawang bayani na nagtatag ng Katipunan.
Ang commissioning ng dalawang barko, na may kakayahang mag-patrolya sa mababaw na karagatan, ay idaraos sa Philippine Navy headquarters sa Roxas Blvd.
Dating pinangalanang “Chinook” at “Monsoon,” ang huling assignment ng dalawang barko ay sa 5th Fleet ng US Navy na nakabase sa Bahrain.
They were last assigned to the 5th Fleet based in Bahrain before they were decommissioned last March 28.
Ayon pa sa ulat, ang dalawang barko ay ginamit ng US Navy ng halos 30 taon at ang mga ito ay isinalin sa pangangalaga ng Pilipinas sa ilalim ng Philippine Excess Defense Article (EDA).