Gumagawa ng paraan si boxing world Hall of Famer na si Manny Pacquiao na mag-qualify sa 2024 Olympics, sabi ni MP Promotions president Sean Gibbons sa Sports Illustrated.
Ang 2024 Summer Olympics ay magsisimula sa Hulyo 26, 2024 sa Paris. Ang mga professional boxers ay pinayagang lumahok sa Olympics simula noong 2016.
Si Pacquiao, 44-anyos, ay huling sumabak sa isang sanction match noong 2021, nang matalo siya sa welterweight title fight kay Yordenis Ugas.
Noong 2022, tinalo ni Pacquaio ang YouTuber na si DK Yoo sa isang exhibition fight sa South Korea.
Si Pacquiao,na eight division title holder na nag-compile ng 62-8-2 record sa pro ranks, ay hindi pa nakalaban sa Olympics, itinuturing na pinamakamataas na lebel ng international boxing amateur event.
Noong 1995 nang unang sumabak si Pacquaio sa professional boxing upang matustusan ang kanyang pamilya. Noong 2001, nakipagsosyo siya kay Freddie Roach, isang Hall of Fame trainer, na naghubog sa Pinoy boxer para maging pinakamahusay na ring fighter sa siglong ito.
“[It has] always been a dream of his to represent the Philippines in the Olympics. He never had a chance because at 16 his family was dead broke and he needed to go professional to help everyone,” sabi ni Gibbons.
Sinabi ni Abraham Tolentino, pangulo ng Philippines Olympic Committee (POC), sa local media na malaki ang posibilidad na matatanggap si Pacquiao sa pambansang koponan.