Tinawag ni prosecution counsel Atty. Lorna Kapunan na “ampaw” at “walang bigat” ang mga testigong nais ipa-subpoena ng defense team ni Vice President Sara Duterte sa impeachment court.

Dahil dito, naniniwala si Kapunan na posibleng mabilis na matapos ang presentasyon ng ebidensiya ng depensa, at maaaring umabot lamang hanggang Miyerkules, Nobyembre 11, sa pinakamabilis na senaryo.

“Palagay ko [by Wednesday] dapat tapos na sila [magprisinta ng ebidensya] kasi ‘yung mga nilista naman nilang witness puro ampaw, walang bigat,” ani Kapunan.

Nakatakdang magpatuloy ang paglilitis sa Bise Presidente sa Lunes, Nobyembre 9.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *