Apat na accounting firms umano ang tinangkang kunin ng defense team ni Vice President Sara Duterte bilang expert witnesses sa impeachment trial, ngunit wala ni isa sa mga ito ang pumayag na magbigay ng testimonya, ayon kay private prosecutor Atty. Lorna Kapunan.

Sa panayam sa ‘Sa Totoo Lang'”‘ ng One PH, nitong Huwebes, Nobyembre 5, sinabi ni Kapunan na wala pa siyang naririnig na kumpirmadong expert witness na makukuha ng depensa.

Ipinunto rin niya ang malaking pagkakaiba sa credentials at expertise ng posibleng iharap na accountant kumpara kay Atty. Alexander Cabrera, ang forensic accounting expert ng prosekusyon.

“Wala pa. Unless kumuha sila ng taga-Davao na accountant, ’yung mga nagsa-sign ng financial statements ng companies nila. Pero ano naman ang weight… authority… ang competence ng isang accountant na hired by their companies or hired by the Vice President or her husband versus the napakabigat na credentials ni Atty. Cabrera?” dagdag pa ni Kapunan.

Sa press briefing ngayong Biyernes, Nobyembre 6, sinabi ni Kapunan na nakita na ng prosekusyon ang listahan ng mga testigong ihaharap ng depensa sa impeachment court at wala umano sa naturang listahan ang kahit isang forensics analyst na maaaring tumapat kay Cabrera.

Nakatakdang magpatuloy ang impeachment trial ni VP Sara sa Lunes, Nobyembre 9, kung kailan magsisimula ang presentasyon ng ebidensya ng defense team.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *