Inanunsiyo ng Pasay Traffic and Parking Management Office (PTMO) na pansamantalang isasara ang Diokno Boulevard, mula Seaside Boulevard hanggang Atang Dela Rama Street, sa northbound at southbound lanes simula July 6, 2026, kaugnay ng impeachment trial ni Vice President Sara Z. Duterte na gaganapin sa Senate of the Philippines.
Ang nasabing paglilitis ay inaasahang magtatagal ng pito hanggang walong buwan.
Ang hearing schedule ay tuwing Lunes, Martes, at Miyerkules, mula ala-7 ng umaga hanggang ala-7:00 gabi at ng pagsasara ng nasabing kalsada ay ipatutupad sa mga araw na ito.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa Macapagal Boulevard bilang alternatibong ruta at sundin ang mga tagubilin ng mga traffic enforcers sa lugar, ayon pa sa PTMO.
