Inihayag ni Fredderick Vida na nakahanda ang Department of Justice na gampanan ang mandato nito sakaling may lumabag sa batas sa gitna kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Edsa ngayong Martes, Hunyo 30.
“The DOJ will always be ready. We have our mandate. Kapag may nag violate ng batas, nandyan yung law enforcement agencies natin, nandyan yung mga piskal natin para gampanan yung tungkulin natin,” ani Vida.
Batay sa huling tala ng National Capital Region Police Office (NCRPO), tinatayang nasa 12,000 katao na ang dumalo sa naturang rally.
Kinokondena ng mga miyembro ng INC ang napipintong pag-aresto kay Sen. Rodante Marcoleta sa kasong plunder kaugnay ng ₱75 milyong undeclared campaign funds na natanggap nito noong 2025 elections.
