Inanunsiyo ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino ang pagdadagdag ng P85.00 sa arawang minimum wage para sa mga manggagawa sa Metro Manila—na mula sa P695.000 ay magiging P780.00 na ang arawang suweldo.
Sinabi ni Tolentino ang good news sa pagdalo niya sa isang event sa Malabon Central Market ngayong Martes, Hunyo 30.
Ayon kay Tolentino, tinatayang 1.1 milyong minimum wage earners ang mabebenepisyuhan ng tinawag niyang “historic” na umento sa sahod sa National Capital Region (NCR).
