Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Canada para sa isang official visit mula Hunyo 1-4 matapos maimbitahan ni Canadian Prime Minister Mark Joseph Carney.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. will conduct an Official Visit to Canada from July 1 to 4, 2026 upon the invitation of Canadian Prime Minister Mark Joseph Carney,” anunsiyo ng PCO.

Magsasagawa ng bilateral discussions ang dalawang leader na layong mas palalimin ang ugnayan at kooperasyon ng Pilipinas at Canada pagdating sa defense at security, trade at investment, energy, critical minerals, artificial intelligence, at iba pa.

Sasamahan ang Pangulo ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa pakikipagpulong sa Filipino community sa Vancouver bilang pagkilala sa ambag ng mga overseas Filipinos sa relasyon ng dalawang bansa.

Ito ang kauna-unahang official visit ng isang Pangulo ng Pilipinas sa Canada sa loob ng mahigit isang dekada, matapos ang pagbisita ni Benigno Aquino III noong 2015.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *