Sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag may mga impormasyong sinusundan ang ahensya na nagpapakitang hindi pa umaalis ng bansa si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, na kasalukuyang may arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity.
“Mayroon pong malakas na indikasyon na nandito pa po sa Pilipinas at meron pong mga impormasyon kaming sinusundan,” ani Matibag.
Ayon kay Matibag, mahihirapang makalabas ng bansa ang senador dahil 132 bansa ang kasapi ng ICC.
Tinukoy ng ICC na “co-perpetrator” si Dela Rosa ni dating pangulong Rodrigo Duterte nang ipatupad ang madugong “w@r on drvgs” campaign nito.
Matatandaan naman na noong Mayo 11, sinubukan ng mga awtoridad na isilbi ang warrant laban kay Dela Rosa ngunit kumaripas ito ng takbo papasok sa gusali ng Senado. Kalaunan ay inilagay siya sa “protective custody” ng Senado, bago matapos tuluyang makatakas noong Mayo 14, ilang oras matapos pamam@ril sa Mataas na Kapulungan.
