Suportado ni Senate President Sherwin Gatchalian ang panukalang magbabawal o maglilimita sa paggamit ng social media para sa mga kabataang edad 16 pababa, bilang hakbang na layuning protektahan sila mula sa negatibong epekto ng online platforms.
Ayon sa Senate President, dumarami na ang mga bansang nagpapatupad ng katulad na polisiya upang mabawasan ang sobrang pagkakalulong ng kabataan sa social media.
Binigyang-diin niya na malaki ang epekto ng social media sa pag-aaral, pag-uugali, at mental na kalagayan ng mga menor de edad kaya’t kailangang pag-aralan ang mas mahigpit na regulasyon.
Patuloy pang tinatalakay sa Senado ang nasabing panukala, kabilang ang magiging paraan ng implementasyon at posibleng epekto nito sa digital access ng kabataan sa bansa.
