Kabilang ang isang court sheriff na sinaktan ng noo’y Mayor Sara Duterte sa ginanap na demolisyon sa Davao City halos 15 taon na ang nakararaan, ang kabilang sa tetestigo laban sa ngayo’y Bise Presidente sa gaganaping impeachment trial ng Senado sa Hunyo 6.

Lumitaw ang pangalan ni Abe Andres, isang court sheriff sa Davao City, sa pre-trial brief ng prosekusyon na ibinahagi sa media ngayong Huwebes, Hunyo 25, bukod sa pitong iba pa na nakaranas din diumano ng pagbabanta kay Sara Duterte.

Matatandaan na nakunan pa ng mga news team nang sapakin ng apat na beses ni Duterte si Andres upang pigilan ito sa pagpapatupad ng court order upang paalisin ang mga informal settlers sa isang contested property sa Barangay Soliman, Agdao District, sa Davao City.

Si Andres ay isinugod sa ospital dahil sa tinamo niyang pasa sa mukha.

Ang pagkakasama kay Andres sa hanay ng mga testigo ay magpapatunay na may kakayahan itong manakit ng ibang taon, nakasaad sa 57-pahinang brief.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *